Ika nga
Sapilitan
Inumang kwentuhan ba? Pwes hindi ito yun!! 4
Melon Chill/ Gimek --- alak na pampagising
Mga kailangan:
1 Gin bilog
1 Sachet Melon Juice
1 Stick Nescafe black
1 Ice
Paano ginagawa?
Timplahin muna mabuti ang kape para matunaw ito, saka ihalo ang juice sa hinalong kape.
Ibuhos ang tinimpla sa pitchel na may lamang 1/4 na tubig.
Ibuhos ang gin pag naubos sindihan, pag umapoy ilublob ang nguso.
Anong lasa?
Chill lang
Paano ang tama?
Para kang hinayblad. sobrang sakit sa ulo at batok.. syempre.. hindi pwedeng mawala ang suka
Karanasan:
Hindi na ako makatayo sa kinahihigaan ko. sobrang sakit ng ulo ko. ayun suka na lang sa kwarto.
A Little Tip
from 3 idiots
Life's Tough
Mali sa Tama, Tama ng Mali
Well, ang mali sa tama ay... pag ikaw lang mag isa ang tama at lahat ay mali.. ang tama ay nagiging mali.
at ang tama ng mali ay.. pag may nagawa kang kamalian.. paraan ito upang makagawa ka ng tama
Tama Naman Diba?
Para yang nakatahi
My Conclusion
Ganun Hinubog
Ganun dapat!
- Domz Sydeco
Yan ay hindi bastos. nakaka inis na kasi e. makailan lang, meron nanaman akong nakitang na bastos na babae.
Ito yung point ko dito e.
Bakit kayo nag susuot ng maiksi sa labas kung ayaw niyo naman mag pabastos? hindi ba't ang pag susuot niyo ng maiksi ay parang inaakit niyo ang mga manyakis at sinasabing "HALIKA MANYAKIN NIYO KO!" diba? wala tayo sa mga matatabang utak na tao. nandito tayo sa mang mang na bansa.
Kung ayaw niyo mabastos, mag suot ng mahaba.
Walang mababastos kung hindi ka kabastos bastos.
-Domz Sydeco
Tanggapin ang Katotohanan
Lahat Na Lang Ng Bagay Jini-GM

Guys, nasagasaan ako dito sa may sa amin. Haha, wala lang. Share lang. Lunch na po kayo. Papunta na ‘yung ambulansya.
@Toto, oo pre, puntahan mo nalang ako mamaya sa ospital.
GM ng nasagasaan.
NP: Best I ever had - Drake ft. Nicki Minaj
Masamang Magnakaw?!
Wala ka Baduy!
Tadhana pt. 2
Tula...la
Lasing sa alak, lasing sa pangarap
Tanaw ko ang langit, sa gabing maulap
At nang nahawi ang ulap, mga bituin ay nasipat
Blangko ang utak, nakatitig sa mga tala
Malayo ang tingin, sa langit tulala
Ang ihip ng hangin, malamig na biyaya
At pagsilip ng buwan, ramdam ko ang hiwaga
Sa aking pagkakahiga, lumipas ang mga minuto
Ang tulala kong utak, biglang tumakbo
Wala namang bintana, dito sa aking kwarto
Baket kita ko yung langit, nasan yung bubong ko???
Hot?
Kakaiba talaga!
Ganyan Siya Nung Minahal Mo :)
Pyutur Perpek Tense
Suicide Is Not The Answer
To make yourself something less that you can be.. that is a form of suicide. Suicide is truly serious philosophical problem.
To run away from trouble in form of cowardice and, while it is true that the suicide braves death, he does it not for some noble object but to escape some ill.
Live or die, but don't poison everything
All you can say is I just couldn't live myself knowing I had just killed myself - LOL
Suicide is a Question, And "No" is the Answer
Multoooooooooo.. Awoooooo :)
Malaki talaga ang pinagkaiba ng nadadama sa nagpaparamdam lang...
Mga Dapat at Di Dapat Pag dating Sa Inuman
Etiquette sa inuman- basahin at matuto
Sa inuman:
1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
"Dibale ng magtagal sa k**s at s*s* wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera.
6. Tandaan ang linya sa kantang “LAKLAK”, “Laklak ka ng laklak, wala ka naman patak.”
Sa Pulutuan:
1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.
Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom
Asal sa Mesa :
1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait.
Konsiderasyon sa bisita.
Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.
After ng Inuman:
1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.
Para sa mga Iyakin:
Kung sa tingin nyo na malapit na kayong malasing, huminto na at nakakahiya ka kung iiyak ka sa harap ng mga kainuman mo lalo na at may bisita, wag mong idamay ang mga katropa mo na pag-isipan na sila din ay iyaking tulad mo.
Suka Tips:
1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.
Tanggero Tips:
1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng:
tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.
Pag-uunawa :(
Sulat ni Nanay at Tatay
Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan
Sa aming pagtanda, unawain at pagpasensyahan mo sana kami, anak. . .
Kung makatapon kami ng sabaw sa hapag kainan
O kaya makabasag ng pinggan
‘Wag mo naman sana kaming kagagalitan
Dala lang yun ng kalabuan ng mata at ng namamanhid naming mga daliri. . .
Pinagalitan ka man sa mga baso’t pinggang iyong nabasag noon bata ka pa,
Iyon ay dahil ayaw naming masugatan ka.
Kung ang mga sinasabi mo’y ‘di maintindihan at madinig
‘Wag mo naman sana kaming sabihan ng “Bingi!”
Humihina na talaga ang aming pandinig
Pakiulit lang nang malakas-lakas na ‘di naman kailangang sigawan
Upang tayo ay magkaunawaan.
Kung mabagal na kaming maglakad at ‘di na makasabay sa mabilis mong paglakad
Pakiantay sana at alalayan—mahihina na ang aming mga tuhod
Alalay na tulad sana nung musmuos ka pa at nag-aaral ka pa lang maglakad
Tuwang tuwa ka naming pinagmamasdan.
Kung minsang makulit at paulit ulit ang aming sinabi na parang sirang plaka,
‘Wag mo sana kaming pagtawanan o kainisan
Ganyan ka rin kakulit noong bata ka pa at nag-iiyak pa–
Kapag nagpapabili ng kung anu ano’y di kami tinitigilan
Hangggang ang gusto mo’y di naibibigay.
Kung kinatatamaran namin na maligo at nag-aamoy lupa na
‘Wag mo naman sanang pandirihan at piliting maligo. . .
Mahina na kasi ang aming katawan pag nalalamigan.
Natatandaan mo ba noong bata ka pa at kahit anung dungis mo
Ay masayang-masaya ka naming hinahalikan
At mat’yagang hinahabol sa ilalim ng kama upang paliguan?
Kung palagi kaming masungit at nagsisisigaw
Dala na siguro ito ng pagkabagot sa bahay
At pagkadismaya na wala nang magawa at wala nang silbi.
Ipadama mo naman sana na may halaga pa rin kami sa mundo mo
Katulad ng pagpapadama namin noon ng pagpapahalaga
At pagtutuwid sa kamalian at katigasan ng iyong ulo.
Kung may konti ka mang panahon mag kwentuhan naman sana tayo. . .
Alam kong abala ka sa hanapbuhay pero sabik na kaming makausap ka.
Gusto kong malaman mo na interesado pa rin kami sa mga kwento mo
Tulad n’ung pagbibida mo sa eskwela noong bata ka pa.
Na kahit pautal utal pa ang salita mo,
Nakikinig kaming masaya tungkol sa iyong mga laruan.
Kung kami man ay maihi o madumi sa higaaan dahil hindi na makabangon
‘Wag mo sanang pagagalitan o pandididrihan.
Katulad ng walang reklamo naming paggising nang kahit anong pagod sa gabi
Upang linisin at palitan ang iyong lampin para maginghawa kang makatulog
Hindi na baling kami ang mapuyat.
Kung kami’y maratay sa banig ng karamdaman
‘Wag mo sanan kaming pagsawaang alagaan
Gaya ng mat’yaga naming pag-aalaga noong musmos ka pa.
Bawat daing mo noon ay hirap na dinadala sa aming kalooban
Pagt’yagaan mo naman sana kaming alagaan sa aming mga huling sandali
Kami naman ay di na rin magtatagal.
At kapag dumating na ang takdang panahon ng aming pagharap sa Dakilang Lumikha. . .
Ibubulong at hihilingin ko sa Kanya.
Na pagpalain ka dahil naging mapagmahal at maalaga kang anak sa iyong ama’t ina.
Muli napaluha nanaman ako nito.. sa tuwing binabasa ko to hindi ko maiwasang malungkot.. I love you Ma at Pa!
ALIN.. ALIN.. ALIN ANG DAHILAN
Go With The Flow?
Bakit Kaya Ganun?
sa isang inuman session namin..
Syempre lasing na ako, kaya pa ulit ulit na yung mga sinasabi ko
Nag joke ako isang beses.... madaming natawa tapos maya maya nag joke ulit ako.. same joke lang din.. onti na lang natawa.. tapos nag joke ulit ako.. parehas ulit pero wala ng natawa. make sense?
kung hindi niyo pa rin nakuha yung punto ko dito.. ito yun:
Bakit hindi na nating makuhang tumawa ulit sa isang bagay na pa ulit ulit.. pero bakit natin iniiyakan ng pa ulit ulit ang isang bagay?
Makuntento Sa Isang Bagay
Hindi Yan Pang Habang Buhay
Ang mga malulungkot na nangyayari sayo ngayon... hayaan mo na lang sila dumaan sa buhay mo at matuto. pag nalungkot ka... mag pakasaya ka agad wag mong patagalin ang pagiging malungkot mo. humanap ka agad ng bagay na magpapasaya sayo.
Ang malungkot na nangyari sayo dati pag inisip mo ngayon nakakatawa na lang diba? pero ang masaklap pag naalala mo ang mga masasaya nangyari sayo... pag inisip mo ngayon, nakakamiss.. nakakalungkot
KUNG SINO KA MAN, KAHIT SINO KA PA!
It's on you!
Bakit Anong Meron?!
Happy Valentines Day

Tahimik lang kasi
Code of Ethics: Kung walang magandang sasabihin manahimik na lang
Pag nasangkot kayo sa gulo at ayaw mo manlaglag ng kaibigan mo mas mabuti na lang na manahikmik ka at sagutin lang ang tanong na tinatanong nila. Wag ka masyadong defensive sa iyong sarili dahil pag masyado mong pinag tatanggol ang iyong sarili mahahalata nilang guilty ka o kaya naman mahahalata nilang may ibang sangkot kaya nga may kasabihang Less Talk Less Mistake
Kung may nalaman kang hindi maganda (hindi tulad ng mga aksidente) wag mo ng ipagkalat o i-chismis sa iba tulad ng si ganito daw ay ganito ganito wag ng ipagkalat ang nalaman. i-echapwera mo na lang ang mga nalaman mo para hindi ka masangkot at sabihin mo lang na wala akong alam diyan bakit hindi siya ang tanungin mo?.
Maski ang isda umiiwas sa gulo sa pamamagitan ng pagpapanatiling sarado ang kanilang bibig
Love
in life when you have
to accept and move on
hope and never look back,
smile and forget the pain and
most importantly
LOVE and LET GO
Matutong Mag-pahalaga
Sa pag-mamahal wag mo masyadong ibigay ang lahat lahat mo. Paano na lang kung iwan ka niya? ikaw din ang talo dahil sa binigay mo na ang lahat mo wala ng matitira pa sayo.
Syempre dapat wag ka rin masyadong maging kampante. Kung alam mong mahal na mahal ka ng partner mo, pangalagaan mo siya at wag mo nang hayaang mawala siya sayo. Sa sobrang kampante mo sa kanya baka akala mo lahat ng ginagawa mo ay ok lang. Akala mo lang yun nasasaktan din yan. Pag nag sawa yan dahil sa pagpapabaya mo sa kanya... kawawa ka ikaw ang nawalan.
Sa pag-ibig may isang matigas at may isang matatag
Pantay lang
Itong susulat ko ngayon ay may pinag huhugatan dahil sa dalawang batang nakita ko habang papasok ako ng school. Napakainit nun, hawak nila sako at basura hindi laruan at libro pero nakuha pa nilang humalakhak. Nagbigay lang naman sila sa akin ng inspirasyon at para sa akin sila ang nagpatunay na habang may buhay... may pag-asa! :)
Simple lang buhay. dati napakasaya napakasigla, Pero dahil sa mga teknolohiya natin ngayon madaming nagbago at hindi na siya ganun kasaya.
Malas nga ng mga batang mayayaman ngayon e.. Naranasan ba nilang makipag habulan sa kanilang mga kapitbahay o kaibigan? maglaro ng patintero,tumbang preso,tagu taguan,taya tayaan, Block 123 o agawan base, bang sak, pogs at text? Yan lang naman ang mga laro ng kabataan noon at kasama ako dun. Napakasaya laruin ng mga yan diba? Nakaka miss diba?
Ang laro ng mga kabataan ngayon ay puro kompyuter.. anong masaya dun kung naka upo ka lang magdamag?
Naabutan ba ng mga kabataan ngayon ang mga kanta dati?
"chippy chippy gum sweet bubblegum masarap ito at malinamnam. Bumili kayo sa tindahan!" hahaha. naalala ko pa yan. marami pang iba hindi ko lang matandaan. haha! tanda ko na pala parang kailan lang
Ang mga kanta ngayon ay puro K-POP na lang naiintindihan niyo ba? ay ewan ko sa inyo. kaya hindi tayo naunlad e. Sariling kanta nga natin hindi natin matangkilik
Ngayon ang punto ko sa sinulat ko na ito.. medyo magulo e.. pero ito lang masasabi ko
Kung mayaman ka wala kang karapatang sumimangot kung ang mga batang walang makain nga nakuha pang humalakhak ikaw pa kayang mayaman?
Ophiuchus - The 13th Sign of the Zodiac 2011

The 13th sign of the zodiac, unlike the other 12 signs is actually associated with a real person. In the 27th Century BCE in Ancient Egypt lived a man known as Imhotep. Imhotep was known as ‘Aesclepius’ by the Ancient Greeks, however the attributes are the same under either name.
One of Imhoteps abilities was healing and it is said that it was he who introduced it to mankind. His accomplishments also included a wide knowledge of medicine. The serpent or snake symbol which is still used today to symbolize the medical profession was also used to represent Imhotep. Below is a list of attributes associated with the Serpent Holder, Imhotep i.e Aesclepius. The descriptions below are associated with the 13th sign - Ophiuchus.
* Many people are envious of this subject as he progresses well throughout life.
* A seeker of wisdom and knowledge
* Many people are jealous of this person
* Tends to go for the more flamboyant in dress sense, favouring bright colours.
* Authority looks upon him well.
* Would make a great architect or builder.
* Number 12 is this persons lucky number.
* This person will have a big family but leave home at an early age.
* Interpreters of dreams who attracts luck and blessings (awesome.)
* Inventers with good leadership qualities who can rise to a managerial role.
* People who will rise in fame and always reach for the stars.
* Holders of a generally-high position in life.
*Extremely curious
*Open to change
*Sexually magnetic
*Extremely jealous
*Passionate
*Good-humored
*Irresponsible
*Explosive temper
*Rebellious
*Secretive
*Egotistical
*Noncommital
*Has a thirst for knowledge
Source: HERE! and HERE!! and HERE!!!
Luckily I'm in! Habey!
Tunay na Hangarin!
"Mas mabuti pang mawalan ng paninindigan, kesa manindigan ng mali."
Pa-uso ko
Hindi rin sa lahat ng oras na pag kailangan ka o may problema sila ay dapat sila ang lalapit sayo.
Parang ganito lang yan e.. May isang tao nalulunod kailangan ng tulong mo, sila pa rin ba ang dapat lumapit sayo?