Nitong Pebrero katorse ay araw ng mga puso (Valentines Day kung maarte ka, sige ikaw na.) Tinanong ko ang mga babae kung saan sila pumunta ng minamahal nila. Sa aking pananaliksik karamihan nang sagot ay. "wala nga e" iba naman masaya kasi kahit wala siya meron naman siyang pinadala na bulaklak, iba naman wala na nga wala pang bulaklak (parang ako lang ba..) sa ibang babae kasi napaka importante ng bulaklak para sa kanila. hindi ko kasi nakaugalian mag diwang ng valentines day dahil.... ewan ko para sa akin kasi wala ng espesyal dun.. at sa iba naman walang ka-date.. SMV. pero nandyan naman ang mga magulang mo o kaya mga kapatid mo para kasama mo mag diwang ng araw ng mga puso diba? wag ka lang tungaw =]
ewan ko ba kung bakit mag mahalan sa valentines day kung sa araw na yun ay pinatay si saint Valentine.. wala lang share lang
Bawat araw na mag kasama kayo ng mahal mo diba spesyal na araw na sayo yun? Bawat araw na magkasama kayo diba araw na ng mga puso niyo yun? bakit ka magagalit o masasaktan kung hindi mo nakasama ang mahal mo sa araw ng mga puso? e kung mas tatatak sa isipan at puso mo ang normal na araw naging espesyal nung magkasama kayo..
Ang pag diwang ng spesyal na araw ay karaniwan na... Hindi ba't mas maganda ang karaniwang araw ay nagiging espesyal?