Ganun Hinubog

Minsan dapat niyong intindihin ang tao kung ano sila, paano sila mamuhay.

Hindi niyo ba naisip na hindi siya ang may kasalanan kung bakit siya naging ganun. kasi ganito yan..

Nahuhubog ang pagkatao sa kanilang magulang; kung paano sila inalagaan, sa kapaligiran; kung paano mamuhay ang mga tao sa kanyang paligid, sa mga taong nakasalamuha niya at sa mga kaibigan niya kung paano siya ginabayan.

Naisip niyo yan?

Baka isa kayo sa mga dahilan kung bakit siya naging ganun.. alalayan niyo na lang ang kaibigan niyo para mapabuti :)