
Ito na ang pinaka kinakatakutan ng malalakas uminom.
Punyeta/Weng weng <--- pina-cool lang ng mga tomador.
Mga kailangan:
Gin bilog
Pineapple juice
Red horse 500ml
Sprite <--- depende kung gaano niyo gusto kabilis ma lasing mas malaki mas mabilis tamaan.(12 ounce pag gusto ng katamtaman)
Yelo/Ice
Paano ginagawa?
Una, ilagay ang Pineapple juice sa isang boteng Gin bilog sabay i-alog para mahalo. pagkatapos ilagay sa pitchel. Pag naubos na sindihan ang nguso ng bote ng gin pag umapoy ilagay ang nguso ng bote sa Ginapple na nakalagay sa pitchel
Pangalawa, ihalo ang Redhorse
Pangatlo, ihalo ang Sprite.(depende na sa panlasa niyo kung ilang ounce ang ilalagay na sprite)
Pang apat, ilagay ang buong Yelo/Ice
Anong lasa?
Lasang juice at halos walang lasang alak.
Paano ang tama?
Traydor ito.. chill ka lang at naka upo habang umiinom nito matino ka lang at kaya pang makipag sabayan.pero kapag tumayo ka ito lang masasabi mo "Punyeta shit lasing na ako" kaya siya tinawag na Punyeta at weng weng kasi ulo mo parang wineweng wengwengwengwengweng...." iwasan rin ang gulo at makatanggap ng problema habang nainom nito..
Karansan:
Unang karanasan ko dito sa punyetang to ay nung na sa matabungkay kami. may lalaking masamang tumingin sa kaibigan kong babae. nag simula na ang gulo buti na lang malakas kapit ko at merong umawat at higit sa lahat nandun si GF para pigilan ako.
Pangalawang karanasan umiinom kami nito ng may biglang may problemang dumating. ayun shit talagang may nasirang gamit sikreto ko na yun kung ano..
Kaya sa mga may balak na uminom nito.. SIGE GOODLUCK NA LANG!!