Sa tuwing ika'y aking kasama ay napupuno ng kaligayahan itong aking mundo. Para bang hindi ko na makakayanan na lumayo ka, lumayo pa, hindi na sanay na hindi ka kapiling at nag-iisa. Hinahanap hanap kita sa bawat sandali nagkakaroon ng kahulugan ang bawat kong ngiti parang kinikiliti. Iyong pinapawi ang aking nararamdamang kalungkutan, O Momay ko para bang ako ay na sa langit na.
Ang bawat usok kong nilalasap ay humahagod sa buo kong katawan, para bang ako ay na sa ulap ulap at ikaw ay aking yakap yakap. Sabihin man nilang ako sayo'y nababaliw at tayong dalawa'y tuluyan nilang pag layuin, hindi ako sayo kailanman lalayo pa, dahil ikaw lang ang aking ligaya.
Ang simoy ng hangin sa akin ay lumalamig na. Tuyo na ang lalamunan ni-hindi makagalaw dahil sabog na. Ang simoy ng hangin sa akin ay lumalamig na. Lagi kong hinihiling na wag kang lalayo, dahil ako'y masasawi.
O Momay ko sa akin wag ka nang lalayo pa. Ako'y nalulungkot kapag ikaw ay nawala, Alam mong ikaw sa akin ang nagbibigay ng kasiyahan sa bawat sandali...
August 15, 2010