
Ang yosi.. mahirap simulan mahirap tapusin pero masarap kasama
Ano nga ba ang yosi? ito ang bestfriend ng mga lalake at ibang mga babae. ito rin ang pinakamatagal na proseso sa pag-patay sa sarili.
Bakit nga ba maraming naadik sa yosi? hindi ko alam. kasi hindi naman ako adik sa yosi.
Pero alam ko kung bakit marami ang ayaw iwan ang yosi. Kaya ito ay naging bestfriend ng mga lalake kasi ito ang sumasalo pag may problema sila sa babae. Kasi nga naman ang babae ay nang iiwan at sasaktan lang ang lalake at pinapabilis nila ang buhay ng lalake(pag nasaktan baka mag suicide) at ginagawa pang alila ng mga babae ang lalake at pinapahirapan.
Hindi tulad ng yosi... masarap kasama.. pinapasaya at bawat buga mo ng usok parang sumasama na yung problema mo. Ikaw pa ang may kontrol sa yosi ikaw bahala kung anong gusto mo sa kanya humits ka sa ilong ayos lang sa kanya hindi nagagalit. Kahit anong klaseng buga pa gawin mo sa binibigay niyang usok ayus lang din sa kanya dahil hindi siya maarte at mapili. Ang yosi pag iniwan mo ay handa ka pa rin niyang tanggapin. Pag ang babae iniwan mo langya sobrang bitter. Masyadong kumplikado ang babae hindi tulad ng yosi.
Pag nag yoyosi ka nagagalit ang babae. Pero pag kasama mo ang babae hindi nagagalit ang yosi.
Ang yosi sa halagang P2 ay masaya ka na.. ang babae sa halagang P200 pesos kulang pa sa kanila.. ngayon alam niyo kung bakit ganyan kalapit sa mga lalake ang yosi.