May problema ka? Wag mo ako idamay


Lahat ng tao ay may problema. Meron ka, meron din ako.

Kung meron kang problemang pinag dadaanan... wag mong tambayan... daanan mo lang

Sabi nga nila hayaan mo ang problema mamroblema sayo. Kung walang solusyon ang problema, wag mong problemahin kasi hindi yun problema.

Lahat ng problemang nadating sa'yo ay kaya mong pag daanan. Alam kong napaka saklap magkaroon ng problema pero sa huli mayroon naman itong mabuting naidudulot sa atin.

Ang problema ang nagpapatibay sa atin at nagbibigay ng leksyon sa buhay natin. Ito rin ang nag papalaki sa atin ng tama. Ang tangi mo lang gagawin ay tingnan ng positibo ang problema at hindi negatibo. naiintindihan niyo ba ako?

Ang ibig kong sabihin sa positibo, laging isipin na pagsubok lang ito at kasama sa paglaki at hindi naman permanente ang problema.

Sa negatibo naman ay, idadaan mo sa pag patay mo sa sarili dahil lang sa bigat ng iyong problema. Makakatakas ka nga sa iyong problema bibigyan mo naman ang iba ng problema. Kaya lang naman bumibigat ang problema dahil iniisip mo na sobrang bigat ng iyong problema, dapat hindi minamahal yan.

Kaya kung gusto niyo makalimot sa iyong problema at makatakas panandalian. hindi ko kayo papayuhan uminom kundi.... punuin niyo ang kobeta ng tubig.. yun lang!