Universiteeeey!

Gaano nga ba kahalaga ang Edukasyon? sobrang halaga niyan. wala lang nasabi ko lang.

anyway, speaking of university.. ano bang pakiramdam ng buhay kolehiyo? nakakatuwa nga kasi sabi nung mga teachers ko noong highschool pa ako "pag college na kayo sobrang dali na. hawak niyo oras niyo, pumasok kayo o hindi ayos lang. kailangan mabilis kayo mag sulat.. kahit ang mga prof sinasabi lang nila yung mga itatake down note niyo. malayang malaya na kayo pag college na kayo" sa isip isip.. yes excited na ako mag college. para sa mga tamad pala ang college eh!

ngayon college na ako. oo nga hawak ko oras. ako pipili ng sched ko. wow diba?

unang araw ko sa college.. nakakagulantang na pangyayari ang nangyari! ano to? ililipat ang subject sa ibang oras? at hindi lang isa.. kundi lima! ano to?!! na saan na yung kalayaan ko! kala ko hawak ko oras ko? nooooo!!!111!1!one. nasira na ang mga plano ko! ang school time ko at gimick time ko wala na! naging school all the time na lang! Dun na nagsisimula mag bago ang pananaw ko sa college.

Ok may maayos na class na ako. pag pasok ko. klase agad. aba ayos to. teka lang.. ano nanaman ba to? ang daming sinusulat ng prof? teka.. ano daw? ISULAT DAW LAHAT YUN? saan na yung.. sasabihin na lang? tapos sulat na lang? mas maganda yung sinasabi na lang para nashoshortcut! e sinulat sa board nakanamsipag nga naman!. ibang iba yung sinabi ng teacher ko nung highschool a.. aba teka..

ok lang... hindi na lang ako papasok.. pasok na lang ako kapag may quiz or exam? teka... may sinabi si ma'am e. ano daw? 6 absences FAILURE DUE TO ABSENCES? asan na yung malayang malaya kayo sa college ma'am!

Kaya kids.. wag kayo masyadong pa-uto sa mga teacher niyo!

Maiba tayo. kung pipili ka ng school mo, wag mong isipin na porket sa UP ka mag aaral mas tatalino ka. kasi kung anong tinuturo sa UP tinuturo din yan sa ibang school. halimbawa ang course mo ay Psychology, wag mong isipin na pag mag tetake kayo ng board exam, e mas papasa yung mga taga UP kaysa sayo na nag-aaral sa hindi kilalang school. tulad nga ng sinabi ko, parehas lang ang tinuturo. depende na talaga sa inyo yan.

At wag ka ring titingin sa mga university na mas mataas ang passing rate sa board exam. kasi ganito yan. paano kung mataas yung passing rate pero yung kumuha apat lang diba? kaysa sa ibang mababa pero marami ang kumuha at mas marami ang nakapas kaysa sa mga hindi.

kaya kunwari sa school mo dalawa kayo mag tetake. pumasa parehas 100% (mapanlinlang diba?) bumagsak isa, 50% na lang diba?

kaya kung ikaw lang mag isa magtetake ng exam. pumasa ka 100% bidang bida. pag bumagsak ka.. mag tago tago ka na.

At isa pa sa mga nakakatuwa tungkol sa mga university.. lahat ay dating sementeryo. mga tao nga naman