"Equal rights!" sigaw ng mga babae.

Hangad lang naman mga kababaihan ang pantay pantay na pag trato sa mga tao. Gusto nila na, kung paano itrato ang lalake dapat ganun din itrato ang mga babae. Ayaw nila ng minamaliit sila, ayaw nilang maliit sila sa paningin ng mga lalake. Pinapatuyan nilang kung anong kaya ng lalake kayang kaya din ng babae.

E bakit sa paraang pananakit parang naiba na ata? Pag ang lalake sinaktan ang babae, Bawal na bawal yun. Pero pag ang babae sinaktan ang lalake. Tama lang, walang problema dun. Ito ang pinaka malupet. Una mang aaway ang babae at aawayin ang lalake (paraang pisikal) sa walang matinong kadahilanan, e hindi na natiis ng lalake ang babae at sa hindi sinasadyang aksyon dahil nabalot na sa galit, napalo niya ang babae. (syempre tao din may nararamdaman din, e kung mga babae nga ayaw ng inaalipusta, lalake pa kaya?) biglang ang lalabas na masama ay ang lalake.

Hangad niyo ang pantay pantay na pag trato, pero ginagamit niyo naman ang inyong sexualidad para maka lamang? Ano to girl, lokohan?