Hindi ko alam kung bakit meron pa ring mga taong hindi naniniwala sa diyos. Isang pangyayaring hindi ko akalain mangyayari sa buhay ko. ito ang kwento.. :]
Pumasok ako sa klase at yung prof dun ay atheist na terror na tinatakot ang mga istupidyante. siguro minalas malas ang buhay kaya nagkakaganon.. mas minalas siya kasi pumasok ako sa klase niya ng lasing.
late na ako pumasok kaya hindi ko na alam ang iba niya pang pinagsasasabi.
Prof: Ikaw na bagong dating anong religion mo?
Me: Catholic po sir.
Prof: Isa ka pang Catholic mga naniniwala sa kung anu-ano.. hindi mo ba alam na walang diyos. Paano ka ba naging Catholic? Sumali ka sa aming mga Atheist.
Me: Sir.. nanay ko po kasi Catholic at Tatay ko po Catholic din, kaya po ako naging Catholic
Prof: So kung ang Nanay mo ay tanga at ang tatay mo ay tanga.. e di tanga ka na rin?
Me: Sir kung tanga po mga magulang ko malamang Atheist ako.
Sa kasamaang palad naamoy ako ng lintik na prof na yun na lasing ako pag lapit niya.. kaya meron na akong verbal warning sa DEAN at pinauwi pa ako. buhay nga naman...