Ang lasa ng buhay

Na-uumay ka na ba sa buhay mo? marahil isang lasa lang ang natitikman mo. pag nabasa mo na to. Maniwala ka ng MASARAP MABUHAY. :)

May iba't ibang lasa ang buhay natin para nga naman hindi ka mag sawa at ito ang mga iyon:

TAMIS: ang nag bibigay sayo ng tamis sa buhay syempre ang iyong pamilya, Kahit anong mangyari nandiyan sila para suportahan ka sa lahat ng bagay. Nagpapalakas ng loob mo pag may problema, Handang umakay sayo sa tuwing ika'y tutumba. Lahat ng kailangan mo na sa pamilya mo kaya ito ang pinaka matamis na lasa sa iyong buhay.

ASIM: ang nag papa asim naman sa buhay mo ay ang mga bagay na ayaw mo gawin pero kailangan mong gawin at sa pag tagal ay nasasanay ka na sa asim nito. ito yung mga bagay na kailangan mo magsakripisyo para sa ikasasaya ng iba.

ANGHANG: ang mga bagay naman nag bibigay ng anghang sa iyong buhay ay ang problema. sa una maiisip mo na hindi mo kaya.. masasaktan, iiyak, at kung minsan maiisip mo ng bumigay. pero pag tagal napapansin mo na lang na nakakaya mo na palang matiis ang anghang at tumitibay ka na.

PAIT: ito naman ay mga bagay na nais mo makuha o makamit pero hindi ka biniyayaang mahagkan, mga bagay na gusto mong magkaroon ka pero hindi mo nakuha, mga tao na gusto mong mahalin o kaya mahalin ka pero hindi kayo pinagpala para sa isa't isa at mga pangarap na hindi mo naabot. Marahil hindi mo ito nakuha dahil may mas magandang bagay pang nakalaan para sayo.

ALAT: ang nagbibigay naman ng alat sa buhay mo ay ang mga bagay na gusto mo, na-nakuha mo, mga bagay na nagpapaligaya sayo pero hindi mo alam pag tagal e, nakakasama na pala sayo.

TAMIS-ANGHANG: BARKADA.. tama barkada nga ang nagbibigay ng tamis-anghang sa buhay natin. Dahil sa barkada mo lang mararanasang tumawa na labas ang gilagid, sinasagot ng pambara ang patawa, pinag-aasar ang personal na problema at nagiging lambing ang pagmumura. pero hindi kasi natin maiiwasang magkalabuan at hindi magkaintindihan.

ASIM at TAMIS: ito naman ay nalalasahan natin sa ating mga minamahal. pag nagmahal ka napakasaya diba? pero sa kabila nito handa nating talikuran ang lahat para lang sa minamahal natin.

ALL AROUND SARSA: syempre walang iba kundi ang diyos na may kapal. dahil siya ang nag bigay sayo ng dahilan para matikman ang TAMIS, iparanas sa iba ang ASIM, patibayin ka dahil sa ANGHANG, mahanap ang sarap ng PAIT, at iwasan ang masyadong ALAT.

Minsan KAILANGAN mong matikman ang iba't ibang lasa para malaman mong MASARAP MABUHAY!