Kung sa tingin mo hindi mo siya napapasaya.. mag isip isip ka muna.
At kung sa tingin mo wala siyang effort na ginagawa para sayo.. mag isip isip ka muna.
Pag nag-mamahal ka ng isang tao, wag mong bibilangin ang mga effort na ginawa mo para sa kanya kasi mapapagod ka lang. :)
kasi kung mahal mo naman siya at habang buhay kayong mag mamahalan e di gagawa at gagawa ka pa rin ng effort at pag bibilangin mo yan, ma-iisip mo lang na unfair ang love :)
Wag kang aasa sa mga bagay na gusto mong mangyari o ibigay, ipakita o ipadama sayo ng partner mo dahil hindi naman kayo pareho. Ganyan siya mag mahal ganyan ka mag mahal kaya kayo nag mamahalan. :) Pag nagmamahal ka wag ka mag expect masyado. sa bandang huli ikaw rin ang masasaktan sige ka!!
At higit sa lahat wag mong i-compare ang relationship niyo sa iba, bawat relasyon ay kakaiba, UNIQUE ika nga.
Mahalin mo ang partner mo kung ano siya nung nakilala mo, hindi para makuha ang mga gusto mo.
kahit nakakalungkot isipin na hindi mo makukuha ang mga gusto mo sa iyong partner, Nakakatuwa naman isipin na nakuha mo ang mga bagay na hindi mo inaasahang makukuha mo. :)