Ang Buhay ay Simple Lang

Ngayon uso na sa ating mga pinoy ang makapag suot ng mga branded na gamit. Kakain sa mamahaling restaurant, iinom ng mamahaling kape, tsinelas na tig isang libo, damit na may tatak at kung ano ano pang gamit na MAMAHALIN. Ano nga ba ang pinag ka-iba ng mga yan sa mga lokal na produkto?

Lalo ka lang napamahal sa mga branded kasi binabayaran mo din ang pangalan nito. (WOW HA?)

Dapat maging praktikal na tayo, kulang na nga sa pang kain nauna pa ang luho para lang masabi na "in" ka.

pwede ka naman kumain sa karenderia ang mahalaga nabusog ka. bili ka ng tig limang pisong kape, 5 in 1 pa!, tsinelas sa baclaran o divisoria pati na rin mga damit (hindi naman nila mapapansin kung imitation lang yun e, depende na lang kung marunong silang tumingin.)

Hindi mo naman kailangan gumastos ng mahal para sa mga luho mo. Hangga't nabubuhay ka ng mga bagay na MURA ok na yun. malay mo may paglalaanan ka pang mas mahalaga sa pera mo.

Bakit babango ba ang rosas pag pinalitan mo ng pangalan?

Apply mo na rin sa tao yan :)