
ito ang sitwasyon at katanungan na marami pa rin ang naguguluhan. ikaw san ka ba? sa mahal mo na hindi ka naman mahal o sa mahal ka na hindi mo naman mahal?
syempre marami ang pipili sa mahal nila. dahil alam nilang dun sila sasaya. pero nooooooo!! it’s wrong. hindi ka sasaya. masasaktan ka lang. dahil hindi ka naman niya mahal. pipilitin mo pa sarili mo sa kanya? masakit ung umasa dba?! masakit ung ma REJECT diba?! at parang mawawalan ka ng pag asa sa buhay. wag mo gawing tanga sarili mo at magsisi sa huli tpos kakanta ka nlng “kung ako nlng sana ang iyong minahal” haha..BALIW! oo NAKAKABALIW NGA ANG PAG-IBIG! pero kahit na alam mo sa kanya ka pa rin sasaya. kaya pag pipilitan mo sarili mo sa kanya papakatanga ka. buyset ang hirap talaga nitong sitwasyon na toh. hahaha
eh kung ang pipiliin mo naman e yung mahal ka? madali na yun. mas madaling magmahal ng magmamahal sayo kaysa yung ikaw ang magpipilit na mahalin in return. pero mahihirapan ka rin mahalin ang hindi mo naman mahal. it takes time. bakit sa mga nanligaw ba walang na sagot? meron diba? at yung iba nging mag asawa pa! Pag pinili mo yung mahal ka. alam mong ikaw lang ang mahal niya. at kampante ka na hindi ka niya iiwan. dahil nagsakripisyo sya iyo. alam mo un. kasi isipin mo ung sitwasyong “mahal mo pero hindi ka naman mahal” diba ginawa mo din ang lahat para sa taong yun? ganun din ang ginagawa ng taong mahal ka. kaso, ang mahirap nga. hindi mo naman pwedeng pag pilitan sarili mong mahalin siya. diba? e wala ka naman feelings para sa kanya eh. kaya masasabi ko lang dito sa topic na toh? WALA!!! hahaha. dahil mahirap talaga tong sitwasyon na toh
wala na akong MASABI! pero meron akong idea. bkt hindi mo mahalin parehas diba?! pwede din..!! hahaha.. :) pwede ding wag ka na lang mag mahal para hindi ka mahirapan. mas madali yun hindi ba?. Hehe
Sabi nga ni idol Bob Ong quits lang na hindi ka mahal ng mahal mo dahil merong nagmamahal sayo na hindi mo mahal diba?