Subukan ng malaman

Kung may mga bagay kang gustong gawin, subukan mo. kung sasabihin ng iba na wag at baka mapasama ka lang.. subukan mo pa rin. at kung hindi man maganda ang kinalabasan, sarili mo lang ang sisisihin mo at hindi sila diba? Kasi mapasama man o mapaganda ang kalalabasan niyan sarili mo lang ang sisisihin mo. Kasi pag maganda ang resulta tapos nakinig ka sa iba, sisisihin mo sarili mo kung bakit ka nakinig sa kanila at sisisihin mo rin sila. Sino nawalan? hindi naman sila diba? ikaw lang. Pwede din sa lovelife. kung may gusto kang tao at naririnig mo sa iba na wag yan dahil manloloko yan. ok lang sige go lang. dahil kahit gaano ka-manloloko ang tao.. pag binigyan mo ng dahilan para mahalin ka ng lubusan mag babago yan. at kung hindi ka naman mahalin ng taong mahal mo. Wag kang malungkot dahil siya nawalan siya ng taong nagmamahal sa kanya ng tunay. E, sayo? ano nawala sayo? wala naman diba.. simpleng taong hindi ka mahal. Wag kang matakot, dahil hindi mo malalaman ang resulta hangga't hindi mo susubukan