Plants vs. Puso

Ang isusulat ko ngayon ay hindi naman akma sa pamagat. Wala lang naisip ko lang yan kasi ang pag ibig ay parang plants vs zombies. (ang plants ay ang lalake at zombies naman ang babae) habang tinitira ng plants ang zombies kinakain naman ng zombies ang plants, kung nag iisip ka ng masama mababaw ang pag unawa mo =))

Pwede nating ma-ihalintulad ang pag-ibig sa isang halaman o plant. LOL

Ang halaman ay dapat dinidiligan para maging maganda ang tubo nito diba? sabi nga nila kailangan mo din itong kausapin para mas lalo lumago ang tubo nito.

Kailangan sa isang relasyon ingatan ng mabuti at mag usap. Pag usapan niyo kung ano ang mga nangyari sa araw niyo. Magandang paraan din ito para mas mapalapit kayo sa isa't isa at mas maunawaan ninyo ang isa't isa.

Mas maganda ang tubo ng halaman pag malaya mo itong pinatubo diba? kaysa sa itali mo ito sa paraan na gusto mong pag tubo nito.

Dapat hayaan mo siya sa gusto niya, pag alam mong makakasama saka mo pigilan. Mas maganda kung matututo siya sa kanyang pagkakamali kaysa sa habang buhay mo siyang hayaang ma-"curious" sa mga bagay na gusto niyang subukan. dahil sa ayaw at gusto mo gagawa't gagawa siya ng paraan masubukan lang yun at baka lalo pang mapasama. pag lalo mong pinag sasabihan lalo niyang gagawin