2011

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!!! SANA KUMPLETO PA MGA DALIRI NIYO!

marami pwedeng gawin na pag salubong sa bagong taon.. at pinaka maganda at delikado ay ang mag paputok..

Dahil diyan tuturuan ko kayo kung paano maging ma-ingat sa pag papaputok..

Una:

Magsuot ng headgear.. ito ay napaka importante dahil kailangan mo to kung sakaling tatakbo ka na pag na sindihan mo na ang paputok, baka kasi madapa ka o kaya naman pag sabog ng paputok hindi ka tatamaan nga mga tumatalsik. Dapat sobrang tigas ng inyong helmet. ito ang gamit ko



matigas yan.. wala pang laba laba yan eh.

Pangalawa:

Mag suot ng gas mask. para hindi ka makalanghap ng masasamang elemento, mga pulbura mga usok na galing sa nabasag na semento at sa natapakang tae habang natakbo.. para rin hindi matamaan ang inyong mukha at mata. Dapat takip ang buo niyong mukha para maging maingat sa paputok.



ito lang ang akin.. walang pambili e

Pangatlo:

Maging ma-ingat sa paputok. pumili lang ng maliit na gramo ng pulbura para mahina.. at higit sa lahat wag mag papaputok sa loob dapat sa labas baka mabuntis este baka masunugan kayo at pag magpapaputok kayo gumamit ng mahabang stick na may katol sa dulo para malayo kayo pag sisindihan. wag na wag kayong gagamit ng LIGHTER tapos maliit pa yung APOY.



pwera na lang pag naka inom...