Kumplikadong Pag-ibig

Ang pag-ibig talagang kumplikado yan. Ang dapat mo lang gawin ay mag-isip ng simple.. kasi kumplikado na nga pag umibig ka, bakit mag iisip ka pang kumplikado? lalo lang magiging kumplikado. pasensya na kayo kung paulit ulit kong sinasabi ang kumplikado ganun talaga kumplikado masyado :]

Sa panahon natin ngayon dapat mas maging open tayo sa ating mga partner. Mas buksan ang puso at isipan  natin sa kanila. Napapansin ko lang kasi ngayon sa atin, mas napupuna ang kamalian kaysa sa mga magagandang bagay na nagawa. Kahit meron kang isang libong magandang bagay na nagawa, pag gumawa ka ng isang pagkakamali mas napapansin ito.. at pa ulit ulit ulit ulit ulit ulit itong isasampal sayo ng partner mo. pero ang magagandang bagay na iyong nagawa? echapwera!

"Sana math na lang ang pag-ibig para kahit gaano kahirap.. interesado kang intindihin"

-Jeje quote

Diba?? tama ang jeje quote.

Dapat intindihin mo ang partner mo. wag mo hanapin sa kanya ang mga gusto mong bagay o kaya mga katangian ng ex mo. kesyo yung ex mo sobrang sweet at malambing, yung bago mo naman e simple lang.. mahalin mo na lang at least masaya ka diba. hindi tulad nung una iniwan ka naman..