Kaya Mo Bang MAG-ISA?

Hindi lahat ng bagay ay kaya mong gawin mag isa, at hindi lahat ng bagay natututunan mo mag-isa!

Kailangan mo ang ibang tao para malaman mo ang iyong mga kamalian sa iyong sarili at mga nagawa. Hindi mo naman malalamang mali ang gagawin mo kung wala namang sisita sayo diba? at malamang pag papatuloy mo lang ito dahil ang sa tingin mo ay ok lang. Malalaman mo lang ang kamalian mo sa pag puna ng iba. Hindi ka naman kasi mababahuan sa amoy ng sarili mong tae pagkatapos mo tumae.


Meron din namang naidudulot na maganda ang ibang tao, hindi lang sa pag puna sa iyong mga mali. Nandiyan din ang iba para mag bigay sayo ng kasiyahan. Alam naman nating ok na sa atin ang mga bagay na lubos na nagbibigay sa atin SAYA, pero ang ibang tao ay mag-bibigay sa iyo ng KAKAIBANG LIGAYA. Parang ganito lang yan e... Hindi ka naman matatawa pag sarili mo lang ang kinikiliti mo.