Pagmamahal nga naman..

Ang lahat ng kaldero ay may nakalaang takip.

Ang tangi mo lang dapat gawin ay iparamdam sa partner mo na siya lang ang nag bubukod tanging pinaka maganda sa iyong mga mata sa BUONG MUNDO!

Ang pride ay pinapairal sa trabaho, hindi sa relasyon, kasi hindi ka magiging masaya.

Ang pag-ibig ay trial and error. in short TAE!

Kung pinapakita mong malakas at matapang ka, hindi ka niya aalagaan kasi malakas at matapang ka na...

at kapag may ginawa ka ng mali... wag mo nang panatalihin pang mali.. gawin mo ng tama

pag hindi kaya.. Yung pagkakamali mo pangatawanan mo na lang hanggang sa maging tama. :)

At sana pag nawala ang mga good things sa buhay natin, meron ka pa ring lakas at lakas ng loob para makita ang magandang bagay na meron dun. nakuha mo? Minsan kasi pag umiiyak tayo akala natin katapusan na ng mundo. ang hindi natin alam merong magandang bagay ang nakapaloob doon.

Kahit kailan hindi maganda ang magtanim ng sama ng loob sa kapwa. Pero kung titingnan mo ang bright side, yung galit ay minsan motivation para makapag move-on, kasi hangga't hindi mo nakukuhang magalit sa kanya kahit papaano mananatili kang tanga. isa sa pinakamahirap na gagawin ng isang tao at ng isang nagmamahal yung sanayin ang sariling nasasaktan ka lamang. yung sanay ka ng masaktan kasi hindi mo na gugustuhing maging mas magandang tao o mas tumaas ka pa kasi nga sanay ka na ganun na lamang. Paano ka pangangalagaan ng susunod na tao na magmamahal sayo? kung ikaw mismo, wala ng respeto sa sarili mo.

WALANG LOVE STORY ANG MAGKAPAREHAS :)