Tapos?


Sa bawat nagawa mo o pinasok mo may tanong ako...
ANONG NAPALA MO?

Pumasok ka ng frat... ANONG NAPALA MO?
Inaway mo syota mo... ANONG NAPALA MO?
Nagalit ka at nag wala... ANONG NAPALA MO?
SA MGA NAGAWA MO... ANONG NAPALA MO?

Minsan kailangan din natin isipin ang mapapala natin bago gawin ang gusto. Isipin mo muna kung makakabuti ba o makakasama. Kung gagawa ka ng bagay para lang maging sikat or feeling mo magiging malakas ka isipin mo muna kung anong mapapala mo. Halimbawa na lang sa pag sali mo ng frat, Nasaktan ka tapos ano??

Kung magagalit ka naman tapos mang aaway ng dahil nga sa tinopak ka, nalabas mo nga galit mo ano naman napala mo? Alam kong pag galit ka wala kang nagagawang maganda. Kaya mas mainam na magtimpi o magkulong sa kwarto. Yayain ang kaibigan at idaan sa MABOTENG usapan. Tanggal galit sarap buhay.

"Wag mong gawing kumplikado ang buhay mo na parang ROASTED HIGHLAND LEGUMES, dahil ang buhay ay kasing simple lang ng ISANG PLATITONG MANI."

Ngayon... may tanong ulit ako sa inyo sa pagbabasa niyo nitong tinayp ko anong napala niyo?

at para sa akin sa pag tatayp ko nito.. anong napala ko?

Zzz