
Meron bang taong manhid?
baliw lang ang nag sasabing MANHID ang isang tao kung hindi niya alam na may gusto ka na pala sa kanya.
Paano niya ito malalaman kung hindi mo naman sasabihin o paparamdam? tapos sasabihin mong manhid ang taong ito. Mag isip ka nga.
Kung pinaparamdam mo naman pero hindi mo sinasabi pero sa tingin mo parang wala lang sa kanya, hindi ibig sabihin nun ay manhid siya. Siguro ay natatakot lang ang taong yun na saktan ka.
Madali na lang kasi umasa ang mga tao ngayon. Pakitaan mo ng konting ka sweetan ay feeling niya meron na itong ibig sabihin. Kaya siguro kunwaring binabalewala ng taong yun ang nararamdaman mo para hindi ka na umasa.
Pero mas maigi pa ring sabihin mo sa isang tao ang tunay mong nararamdaman, Para wala ng paliguy ligoy pa. Isang tanong isang sagot. mas maganda gawin ng sa ganun ay hindi ka na masyadong masaktan at maka move on ka agad. :]
SABIHIN MO ANG SALOOBIN MO!