Sino ba si Tadhana?


Si Tadhana..... Una akala natin si tadhana ang bahala sa atin, aantayin na lang natin siyang dumating at siya na ang bahala at akala din natin na lahat ng ginagawa natin si tadhana ang may pakana. Napagtanto ko lang na si tadhana ay lagi lang nandiyan at tayong lang pala ang hinihintay. Sabi nga nila antayin mo na lang nakatadhana naman yan e. Sa totoo lang tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana at nandiyan naman si tadhana para kampihan tayo. Kung hindi naman maganda ang nangyari siguro ay ayaw ni tadhana dun. Lagin mong isipin na kung may hindi ka nagawang bagay o may gusto ka na ayaw sayo si tadhana ang may kagagawan nun, dahil may mas magandang nakalaan para sa iyo.

Wag mong i-asa kay tadhana ang lahat kung may napupusuan kang isang tao. pa-alam mo o paramdam mo sa taong yun na mahal mo siya at si tadhana kakampi lang sa iyo yan kung ganun ang gusto mong mangyari..... mangyayari kung kikilos ka.

Wag matakot kung may gusto kang gawin kasi hindi mo naman malalaman kung anong resulta kapag ginawa mo at hindi rin magagawan ng paraan ni tadhana ang nais mong mangyari

Pero minsan mapaglaro din si tadhana. kung may gusto kang mangyari pero kabaligtaran ang resulta at nasaktan ka meron naman mas magandang resulta yun hindi lang agad agad dumadating

TADHANA YAN!