Parang may mali?

Tama ba to?

May gusto kang bagay pero ayaw naman ng mahal mo? pipigilan ka niya sa mga bagay na ayaw niyang gawin mo. Titigilan mo naman kasi mahal mo siya at ayaw mong magalit siya sa iyo. wow sweet dagdag points para sa mahal mo. Kasi pag sinabi mong tinigilan mo na magiging masaya naman siya. Pero pag siya naman yung may gusto pag pinigilan mo wa epek may pa please please pang nalalaman at sasabihin pa niya “ngayon lang naman eh” pababayaan mo lang at sasabihin mo sige kung saan ka masaya dun ako. korni eh…..Eh di sana dun sa gusto mong gawin dapat maging masaya rin siya. Kasi alam niyang magiging masaya ka sa ginagawa mo dapat masaya na rin siya diba?

Ano yun? siya lang dapat palaging masaya? paano naman yung kasiyahan mo?

Ganun na lang? kung saan siya masaya dun ka na rin? kasi sa kanya ka masaya? at ayaw mong mawala siya sa iyo? Sakripisyo ba tawag dun?

Kung ikaw nag sasakripisyo para sa kanya bakit naman yung mahal mo hindi? anong ibig sabihin nun? ikaw lang yung nagmamahal?

oh ito yung tinatawag na UNDERstanding?